Ang Dalawang Mukha ng mga Pamamaraan sa Tumbasang Pagkilala o Mutual Recognition Arrangements sa mga Serbisyong Profesiyonal sa Integrasyong Ekonomiko ng ASEAN
Prof. Tereso S. Tullao, Jr.
17 Agosto 2018 (Biyernes), 2:30PM
Room 408, Yuchengco Hall, DLSU
Abstrak
Ang magaan at malayang paglilipat ng mga sanay na mangagagawa sa rehiyon ay isa sa mga aksyong hinahangad ng ASEAN Economic Community (AEC) upang isabuo ang mga ekonomiya sa rehiyon. Ang paglilipat ng mga sanay na manggagawa, kasama ang mga profesiyonal, ay pinagagaan ng iba’t ibang kasunduan sa kalakalan sa serbisyo sa rehiyon. Partikular dito ang mga kasunduan patungkol sa paggalaw ng mga likas na tao o movement of natural persons (MNP) at mga pamamaraan sa tumbasang pagkilala o mutual recognition arrangements (MRAs). Tatalakayin sa panayam ang dalawang pangunahing epekto ng paggalaw ng mga sanay na manggagawa partikular ang mga pamamaraan ng tumbasang pagkilala. Una, sa magbabalik tanaw ng iba’t ibang pag-aaaral susuriin ang ang papel ng mga MRA sa pagpapalawak ng integrasyon sa rehiyon sa pamamagitan ng malayang galaw ng mga sanay na manggagawa. Ikalawa, tatalakayin din ang papel ng mga MRA sa pagpapahusay ng kalidad ng mga profesiyonal sa rehiyon. Partikular na bibigyan ng pansin ang pagsusuri ng iba’t ibang aspeko ng pagpapahusay ng yamang tao na nakapaloob sa iba’t ibang pamamaraan ng tumbasang pagkilala ng mga profesiyonal.
Download the presentation here